Wednesday, July 21, 2010

halo-halong tanaga ng 4th year


Pagsulat ng tanaga
ay sadyang kay hiwaga
inuubos ang lakas
sa isip at pagbilang.
(tvvillaflores)

Kopya

Malalayo ang tingin
kumakapa sa dilim
hinahanap ng pilit
'yong sagot sa malapit.
(milagros seguerra)

Pagod

Bentilador na sira
kamay na nanghihina
di alam ang gagawin
sa pamaypay na sira.
(melvin manansala)

Batang Lansangan

Isang batang lansangan
tiyan ay walang laaman
bawat araw dumaan
ang lata ang puhunan.
(harry alcantara)

Hangad

Isang munting pangarap
na nais makalipad
makarating sa ulap
ang tanging hinahangad.
(arjon joseph ramos)

Totoo

Tamis ng unang halik
kunot ng unang tingin
init ng unang dikit
kapit sa kanyang bisig.
(amiel louie yu)


Bulag

Ang kulay ko ay itim
sa hukay na malalim
natakpan ng salamin
itong gabing madilim.
(jayson ticao)

Asawa

'Sang araw mang lupaypay
uwi agad sa bahay
upang ganda'y manilay
nang magandang maybahay.
(clarina marie senupe)

Tanawin

Bintanang nakabukas
tanaw ang kanayunan
puso kong nagdurusa
ikaw pa rin ang hangad.
(maricar santos)


Buhay man ay mapait
mag-isa man palagi
itong pusong maningning
mahalin ang syang susi.
(mary grace de leon)

Sa kwintas kong kay kintab
parang araw ang kislap
sa sobrang pagkakintab
ito ay takaw mata.
(ralph sherwin vallejo)





No comments:

Post a Comment